Friday, August 10, 2012

Nakakamatay na Reklamo :)



Marami sa amin ang nagtatanong kung bakit hindi kami nakakatanggap ng Student Handbook. Oo, halos lahat ng estudyante ng Mindanao University of Science and Technology or MUST ay nagre-reklamo tungkol sa bulok na sistema ng unibersidad na ito. Hindi lang yan ang pinagtutuunan ng pansin, pati rin ang mabagal...sobrang bagal na pag release ng IDENTIFICATION CARD (I.D.) namin. We paid 85pesos for it; pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakaroon ng ID. Ang ganitong mga bagay ay hindi na bago sa mga stakeholders ng MUST, dahil noon paman ganito na talaga ang sistema. Kailangan nga ba mapapabilis o mapapaganda ang sistema ng unibersidad namin? Hanggang kailangan kami mag sasakripisyo? Hindi ba nila alam na nahihiya rin kami sa ibang unibersidad? Anong klasing administrasyon meron ang MUST? *buffering*


Ang isang student handbook ay importante sa bawat estudyante. Nakalaan dito ang mga rules and regulations ng isang paaralan. Dito napapag-aralan ng isang estudyante ang mga bagay na hindi dapat gawin o dapat iwasan. Lahat ng nakalaan sa student handbook ay pinahahalagahan. Ngunit paano namin malalaman ang mga bawal at di bawal kung hanggang ngayon hindi pa rin namin nahahawakan ang isang handbook. 2009 palang ako sa paaralan na ito, pero hanggang ngayon titanong ko pa rin ang sarili ko, “Kanus-a man jud nako makita ang student handbook? Pag mu graduate nako???” Hindi ko rin naiintindihan ang isang taong nag mamarunong sa aming mga estudyante; ni hindi niya alam kong saan siya lu-lugar. Sa dami-dami ng nagre-reklamo thru Facebook, talagang isa lang ang kinausap niya ng hindi pormal na pagtawag sa kanyang well-ventilated na opisina. OO! Hindi pormal. Kung ikaw ay edukado at nasa “mataas” na posisyon, dapat alam mo kung paano ipatawag ang isang estudyante. Hindi sa pamamagitan ng isang TEXT o TAWAG; dapat gumawa ka ng isang pormal na kasulatan na nakalaan ang mga rason kung bakit kailangan mo siyang kausapin ng personalan. Hindi ka dapat nakikialam sa bagay na hindi mo naman trabaho. Bakit? Nasa printing press ka ba? Wala naman, diba? GISING!!!

Identification card. Kailan namin makukuha ang isang VALID na ID? Kailan? Bukas? Next month? Ngayon? Kailan nga ba? Nakakahiya naman sa ibang unibersidad; yung ID's nila sobrang ganda at kaaya-ayang tignan, pero yung sa amin? Wala dito. Wala doon. Minsan yung mukha namin nag fa-fade pa dahil sa pangit na quality ng card na binibili nila. Haaay. Tapos ngayon? Binibigyan nila kami ng isang TEMPORARY ID, na talaga nga namang temporary kasi folder lang yung gamit at sobrang PANGIT tignan. Kung kayo nasa posiyon namin, hindi kaya kayo mahihiyang suotin ang isang ganitong ID? Nakakaloka ang ganitong bagay, Dude!

Sana lang marealized nila yung mga hinanakit namin. Dinggin sana ng Panginoon ang dasal naming lahat. :)

- wag ma offend .. bawal yan sa mga ganitong bagay :) BOOM!!!


0o0

No comments:

Post a Comment